May 15, 2008 Thursday.... nasa opisina ako. may sipon at ubo... nakakahiya nawawala poise ko.meron ba ako nun? hehehe.. tulo uhog, singa dito singa duon... ubo dito ubo duon parang bakang umaatungal sa lobby. nakakahiya ang lakas pa naman ng ubo ko... pero okay lang uso ngayon yan...
nakakalumbay na masaya ako ngayon araw na ito... judgement day to sa akin ngayon... oo nga pala first birthday ng anak ko. kaya masaya din ako. Ang napakabibong kong anak...At saksakan ng pogi kong anak! Grabe nairaos ko din siya na ako lang pero siyempre malaki din ang naitulong ng parents ko lalo na sa pag guide sa anak ko dahil lagi akong wala sa bahay at mas malaki ang oras na naii-share ko sa trabaho kesa ang makasama ang aking bagets... hanggang ngayon di pa din ako makapaniwala na ina na ako.. single mom.. yes single mom ako.. ako lang ang bumubuhay sa anak ko. walang sustento sa ama nya, hindi din sya dinadalaw as in wala talaga, buhay binata ang tatay nya... oo alam ko hinde lang ako ang may kwentong ganito, marami din ina diyan na ganito rin ang pinag dadaanan at yung iba pa nga ay mas mahirap pa sa akin dahil ako maswerte na lang ako at buhay pa parents ko... paano na lang ako at ang bagets ko kung wala na sila. Sa totoo lang hanggang ngayon di pa din maalis sakin ang pagiging buhay dalaga ko, minsan nga iniisip ko magiging mabuting ina kaya ako sa bagets ko? napakahirap maging ina at tatay.... paano ko kaya mahuhubog ang kanyang pagkatao at karakter? paano kaya? mapapaaral ko ba sa magandang eskwelahan ang anak ko? maibibgay ko kaya ang lahat ng mga pangangailangan nya? daming tanong ang umiikot sa akin utak pero wala akong matinong sagot sa mga tanong ko sa sarili ko. pero isa lang ang alam ko, mahal na mahal ko ang anak ko.. gagawin ko ang lahat para sa kanya... kahit na ano.. ang anak ko ang buhay ko ngayon... siya ang dahilan kung bakit lahat ng hirap na pinagdadaanan ko ay nalalampasan ko siya ang nagpapalakas ng aking loob, siya ang aking inspirasyon sa lahat ng bagay, siya ang bumago ng aking buhay, nang dumating si lucky sa buhay ko nagkaroon ng direction ang buhay ko, naging mas seryoso na ako sa mga bagay na pinapasok ko, mas nag-iisip na ako, natuto akong magtiyaga lalo na sa trabaho... kung ano man ang pagbabago sa akin na nakabuti sa akin its all because of lucky...He made me stronger, more experienced, patient which i do not have eversince, and most of all, he taught me how to be responsible. from happy go lucky to a serious momma... but not that serious.. hehehe... sa anak ko ngayon umiikot ang mundo ko, walang asawa or boyfriend... fling meron ahahaha spice sa buhay yan eh wahahaha... pero sa totoo lang di pa ako handa pumasok sa serious relationship... ine-enjoy ko pa ang moment with my son habang baby pa siya... dahil hinde habang panahon ay baby siya at kyut at kagigil-gigil.
birthday ng anak ko ngayon... seems like typical day for all of us... pero hinde; mahalaga sakin tong araw na ito.. ito ang araw na pinanganak ko ang aking anak dito ko itinaya ang buhay ko para sa kanya... its just between me and my son. our very first moment together. hinde ko makakalimutan ang araw na pinganak ko si lucky... he made me realized ay babae pala ako, may matres pala ako wahaha...
Nung bagong silang siya ang liit liit niyang kutong lupa pero ngayon, ang laki na niya ang bibo bibo niya... nakakatuwa at may konting kalokohan na siya.. laging naka ngiti minsan nga ako na ang napapagod kakatingin sa kanya dahil nakangiti palagi at labas ang dalawang malalalim niyang dimples yes may dimples siya... dalawa pa.. dimples sa muka ha di sa pwet! tabachingching din anak ko... sobrang suwerte at blessed ako at binigyan ako ni God ng anak na katulad ng anak ko, bibo, gwapo, malusog, at matalino mana sa ina eh mana din sa kalokohan aba akalain ninyo ayaw ba nmn sumama sa akin nung gusto ko siyang kargahin isnab pa byuti ko nung sinabe ko na i'll give 500 pesos come to mommy aba mabilis pa sa alas kwatro nakakapit na sakin... hay mana talaga sa akin.. wahahah
marami nang natutunan bagets ko, marunong na siyang mag salita like ng "mama", "mamam", "ay", "ahhh", at kung ano - ano pa. marunong na din siynag maglakad ng walang support pero natutumba pa rin pero okay na achievement na yun para sa kanya.. nagtutumbling na din ahaha masaying bata ang bagets ko.. im so happy to have him in my life... Ilove you Lucky!!!!!
Wednesday, June 4, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment