*Kumakain ka ba ng aratilis minsan straight from the tree pa nga?
*You used the Gumamela para gawing soapy
bubbles na hihipan mo sa binilog na tanggkay ng walis tingting?
*Your mom or dad wants you to sleep pag hapon at
di ka papayagan maglaro pag di ka natulog ?
*Marunong ka magpatintero at ingat ka sa patutot, knows mo ang langit-lupa at luksong tinik?
*Malupit ka na pag meron kang atari, family computer ?
*You have clothes like Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita
ka ng Bench na damit alam mo na mahal ang bili dun at naalala mo si Richard Gomez?
*You are addicted to Rainbow brite, carebears, my little pony,
Thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos,
he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?
*Nanonood ka ba ng Shaider ?
*Inaabangan mo lagi ang Batibot at akala mo magkakatuluyan sina kuya bodgie at ate sienna...
nung high school ka favorite mo ang Beverly hills 90210?
*Gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?
* Isa ka sa mga umiyak at halos di nakakain ng 2 araw when Julie Vega died
kasi gusto mo sya sa Analiza at si Janice sa Flor DeLuna
*You like signing the Slumbook para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?
*You know kung sino si Manang bola at ang sitsiritsit girls? e si luning-ning at luging-ging?
*Alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time space warp chant?
*nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala?
Memorize mo song ni Ding Dong na 3 bente singko
*Cute pa si Aiza seguerra sa Eat bulaga at alam mo
na si Lady Lee ang side kick nya sa Aiza's Kiddie Corner
*inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh
nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?
*meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?
*You always wonder kung saan ang Goya Fun Factory?
*Sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at
nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon?
*Inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?
* Pag inutusan ka ng nanay mo bumili ng lutong ulam,
3Piso lang buntot or ulo ng pritong daing na bangus with matching libreng sabaw ng sinigang.
*Nuod ka lagi ng Thats Entertainment at ang Thursday Group ang laging winners
ang liit pa ni Billy Joe Crawford at si Ruffa at Dennis da Silva ang loveteam nun.
* Bata ka pa mahilig ka na sa chiszm or chika - Watch ka lagi ng See Tru ni Ate Luds
* Gustong-gusto mo ang kwento ni Lola Basyang- ni Chichay
* Ung mga movies ng Regal Films Trilogy starring
Maricel & William- Snooky and Albert at di ko na remember ung isa.
* Regal Babies pa si Mane, Si Sheryl Cruz and Tina Paner
* Your week is not complete if you dont see Okay ka fairy ko, Ang Bagong Kampeon
at GMA SuperShow hosted by Kuya Germs, Sharon C, Lani Mercado, Jackilou blanco etc.
* Student Canteen starring Malou Maglutac at Marco Sison pa ang katapat ng Eat Bulaga
* Remember mo si Alma Moreno, Sharon Cuneta at Ate Vi
nag-"tangga" in their respective shows for Ratings sake- kaloka!
* U know Randy Santiago's first hit was Hindi Magbabago at Bababaero
* You always expect that Ate Vi will say " I Love you Lucky" sa ending ng show nya
* You can dance " shake.....i-body body dancer ala Maricel Soriano version.
*Meron kang kabisadong kanta ni Andrew e na alam mo hanggang ngayon.. Aminin?
Tapos si Michael V. song nya...Maganda ang Piliin
* Naabutan mo pa na pinapatugtog ng Uncle or Aunt mo yung LP ni Victor Wood or Imelda Papin
* Super Kilig ka kay Robin Padilla sa Maging Sino ka Man- at ang cute nya sa leather brown
Chaleko at while long sleeves with super tight maong at baseball cap.
* Remember mo pa ang Award Scam at ang Viveka Babaje's famous lines.....Take it.. Take it.....
* Eto malupit- hindi pa uso Starbucks, Kenny Rogers, Tony Romas, etc. kaya sosyal
ka na pag nakakain ka sa Cyndys- When you're hungry...Cyndys Is the place to be!
* May isip ka na nung People Power I at na-memorize mo ang song na "Magkaisa"
* Sa Channel 13 nuon they always play the song- Akoy Isang Pinoy ni Florante with matching Pinoys in different aspects of life background. Proud ka na sabayan ang song na ito.
* Pag fiesta sa inyo- sali ka lagi sa Basagang Itlog at Agawang buko-
Super Desidido ka talagang manalo ng 5piso
* Para sa mga taga- Manila Wala pang mall nuon kaya masaya ka na sa Luneta at Intramuros.
Big Deal na pag nakapunta ka ng Avenida, Recto, Isetann, Sta. Cruz at Harrizon Plaza.
* Kauna-unahan mong high tech gadgets was ung beeper ng pocketbell, walkie talkie, walk man or cellphone na kasing laki ng ewan na nakaka-clip on proudly pa sa bulsa ng maong jeans mo.
* Isa ka sa mga batang pinag-open account ng mama mo sa Banco Filipino
* You like collecting stationeries- inaamoy mo lang at dine-display hindi mo ginagamit really.
* Nagkaroon ka ng puting HIGH-CUT or converse rubber shoes sossy na yon.
* And last but not the least, naabutan mo pa ng .75 centavos lang ang pamasahe noon at feeling Pasko or fiesta talaga pag may Pan amerikano, Ladys choice sanwich spread, liver spread, hotdog, pancit, menudo, spaghetti, queso de bola, ulo ng lechon baboy with matching apple, Tang, eight o clock orange juice or Coke Litro or Fanta sa dining table compared ngayon anytime kaya mo nang bilhin yan, yung iba di na nag-eexist....over! how time flies noh? ang tanda na natin!
KUNG ALAM MO LAHAT DITO LAGPAS KA NA NG 28 YEARS OLD... KAPAG HALOS LAHAT ALAM MO, NASA 26-28 KA... WAG KA NA MAG DENY.. HEHEHE =)
Saturday, July 19, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment