Tuesday, April 15, 2008

Perstaym ko...

kala nyo siguro kung anong klaseng perstaym na ano... bakit ganoon...napakamalisyosang babae ko talaga.... sabi nga opismeyt ko "aejay, pag nagsasalita ka laging may double meaning" waahhh; sa totoo lang wala naman talaga akong ibig sabihin dun......yun nga lang talaga; minsan pag mapag laro talaga ang utak mo ay talagang mapapaisip ka hanggang sa kaibuturan ng kokote mo =)

Oo nga pala, kaya pala perstaym, kase perstaym ko mag blog dito sa blogger.com usually kase gumagawa ako ng sarili kong website at hinohost ko sa web or blog sa friendster at myspace. nakakatuwa.... natutuwa ako kase may panahon na ako mag blog... kaya ko nang bumalik sa dating ginagawa ko na halos pag sigawan ko sa buong mundo ang aking ginagawa... nakakamiss ang mga panahon hinde ko naisulat na nuon ay madalas kong gawin... oo...madalas.... pero mula ng may mangyari sa buhay ko; na hinde ko ginusto kahit na kailan ay natigil ang madalas kong gawin... ang mag sulat at ipag sigawan sa mundo kung ano ang pinag gagawa ko sa araw - araw na lumilipas sa aking buhay...

Kung kayo ay napapa-isip kung ano yung nangyari sa buhay ko...... papasaan ba at malalaman nyo din.... ngayon may lakas na ako ulit ng loob para gawin ang mga bagay na nawaglit sakin ng mahabang panahon..... hinde lang sa pagsusulat, kundi ang imulat ang aking kaisipan sa maraming bagay gaya ng pagpunta at pagbisita sa mga lugar na hinde ko pa napupuntahan, mga lugar na napuntahan ko na at ninanais kong balikan at alalahanin ang mga masasayang alaala ng pananatili ko doon... ; mga taong pinalampas ko ang pagkakataon na makasalamuha, makilala ng lubusan at maging parte ng buhay ko, mga bagay na ninanais kong makamtam, mga karanasan na sana'y akin ding naranasan at nagsilbing aral sa aking buhay....; mga pangarap na naudlot... at sa marami pang bagay na gusto kong maranasan at matutunan....marami basta marami....

Oo, tama ka, matagal na panahon.... pero kahit sa matagal na panahon marami din akong naging karanasan na alam kong magandang ibahagi sa inyo dahil alam ko makakatulong ito sa inyo... sa totoo lang nagsusulat lang ako para ipagsigawan ang mga karanasan ko sa iba at mag silbing aral at maging babala sa araw araw na pamumuhay ng tao... matagal na panahon na nasayang pero hinde ko pinag sisihan na nangyari ito sa buhay ko.... nanghihinayang lang dahil sa mga oportunidad na pinalampas ko.... pero ganon pa din.. okay lang dahil "this time hinde ko na papalampasin.... I've learned my lessons... yung nga lang sa napaka saklap na paraan ko natutunan.... pero sabi nga nila... hinde mo matutunan ang isang bagay kung hinde mo ito mararanasan..... " huwaw... langya ang hirap pala sagarin ang tagalog... yung purong tagalog... pero bakit ganoon mahirap din pag puro english.... kailangan sakto lang....

hay naku, out na ako.... sa opis kase ako nagblog.... uu na sige na petiks ako ngayon eh.... pero di pa tapos tong "perstaym ko" may karugtong to... at hinde lang yan; lahat ng perstaym ko ikukwento ko din... wahahaha sige na nagiging mapaglaro na naman ang iyong kaisipan.... bukas ulit... nakakabitin ah....