Wednesday, April 23, 2008

Ang makulay kong PAG-IBIG....

grade 5 lang ako nag matutunan kong magka-kras sa isang lalaki ay babae pala ako.=) kala ko kase boy ako dahil sobrang boyish ako talaga ako. well yung "kras" ko taga ibang seksiyon siya... well, papabol talaga yung batang yun... ay naku dahil ka-chakahan ako nung bata pa ako at dehins pa akong marunong mag ayos nung mga panahon nun at haller flat chested at baby bra pa lang gamit ko nun at mas madalas akong nag te-ten-twenti sa hallway ng silid aralan namin... ay dehins nya akong pinapansin kahit nga ang pag sign ng aking "slum book" dehins niya pinapansin eh...(uso kase nuon ang "slum book" sa mga elementary at high school). hanggang tingin na lang ako sa kanya... pero okay lang.... bata pa kase ako nun at mas matimbang pa rin ang paglilibang ko sa mga larong kalye.... hanggang isang araw freshmen ako sa college bumibili ako ng school supplies ko sa national bookstore sa sm north nang magkita kaming dalawa muli, may hawak din siya ng mga school supplies na pinamili niya... aba siyempre di niya ako nakilala pero ako nakilala ko sya.... syempre di ako makapaniwala na siya si....okay sige tawagin na lang natin siya sa pangalan na "Ryan Aspiras" ( code name lang yan ha...pero kung gusto nyo totohanin okay lang din....) eto yung naging usapan namin sa national bookstore...


Senorita Jenna: ikaw ba si Ryan Aspiras?

aba sumagot sya..

Ryan Aspiras: "Oo ako nga...bakit?"

lumaki dalawa kong mata dahil di ako makapaniwala na siya na yung pers kras ko nung elementary ako. tapos sabi ko....

Senorita Jenna: "di mo ba ako naalala ako yung batang bubuntot-buntot sayo nung grade 5 tayo hanggang grade 6 tayo... di mo ba ako naalala?"

Ryan Aspiras: ay ikaw ba yung batang babae na mas maangas at malakas makipag sapakan sa lalaki at mahilig manulak ng kaklase sa hagdanan nuon na mas madalas pa sa office ng prinicipal????

waaahhhh tama ba naman yun... wala siyang naalalang magandang ginawa ko nung elementary ako parang lahat ay kalokohan.. uwaaa-uwaaa-uwaaa...tanging naisagot ko na lang ay ....

Senorita Jenna: uhhmmm. medyo tama ka nga dun...


Ryan Aspiras: uy ha infairness, mukhang babae ka na ngayon di ka na mukhang lalaki...

uwaaa-uwaaa-uwaaa ulet... (langya konti na lang sasapakin ko na to!)


Senorita Jenna: uy infairness di ka na lumaki....saka bakit naging ganyan mukha mo puno na ng pimples? mura lang naman sabon ah... uy nice seeing you again ha alis na ako buh-bye...


pag talikod ko "gago ka ah nakabawi din ako" bulong ko sa sarili ko... pambihira ang chaka na nya tapos ang JOLOGS na niya pumorma.. nuon ko lang na-realized na okay lang pala siyang pumorma ng school uniform pero pag casual na ang pinag uusapan; grabe sa kabaduyan lahat maluwag Hip hoppers "ewwwww" ang Baduy talaga tapos mukha syang pimple na tinubuan ng mukha... (lakas ko ba mang lait??)...laking pasasalamat ko at hinde kami nagka-charutan ng mga panahon na yun buti na lang dedma ako sa kanya ng mga panahon na yun at higit sa lahat buti na lang mukha akong chaka doll nung elementary days ko...







tapos pumasok na ako sa high school, freshmen ako sa isang private school sa west avenue... medyo na-culture shock ako kase galing ako sa public school na puros mahihirap ang mga nakakasalamuha ko...yes... mahihirap sila... pagpasuk ko sa private school lahat ng klasmeyt ko amoy mayaman, mga anak mayaman, artista, anak ng congressman, at karamihan mga anak ng mga basketbolista... naku..tuwang -tuwa ako kase panibagong experience na naman sa akin ito... maraming chika-babes at higit sa lahat ang daming cutie boys araw-araw busog ang mata ko sa mga cutieboys... ayan lumalabas na naman ang kalandian ko....dami din gerlets na magaganda dun sa dami nila yung iba nag-ka-ka-tomboyan na.. haller may nanligaw nga sa akin na kapwa ko eh... syempre mas gusto ko pa din boylet ano... dun ako natuto mag ayos sa sarili, mag suot ng totoong bra, ang mag suklay ng buhok at mag spray ng pabango.... pero di pa din nawawala ang boyish image ko, eh syempre gupit lalaki kaya ako nun... aba ayan na dumami na mga "kras" ko wahehehe... may mga naka fling ako pero parang wala lang... mas active pa din ako sa sports, varsity player kase nung freshmen ako... isang taon lang ako dun tapos lumipat na ako ulit ng high school still private school pa din dun dami na nanligaw... pero wala akong nagustuhan sa kanila... kase gusto ko mas matanda sa akin ng ilang years... nung second year high school ako tuwing linggo ay bumibisita ako sa nanay ko... duon ko nakilala si Marqo (alyas lang yan di nya totoong pangalan), isang med student sa UP Manila.....payatot, moreno, maganda ang buhok, at napaka ganda ng mga mata nya... nangungusap...basta gustong-gusto ko mga mata nya... talentado nga yun eh, all around musikero siya, drummer, flute, base, gitara, at piano... magaling siyang mag gitara, sa katunayan nga siya ang naging inpluwensiya ko sa mga old skul na mga kanta... paborito niya ang the beatles at nirvana, pareho kami ng taste pag dating sa mga kanta., matalino sya, matinik sa mga chikas, at masarap kausap sobrang nakakatawa siya at palaging may makukuhang word of wisdom sa kanya... magaling din siya mag bilyar at mag counter strike...hay... uhmm.. sa totoo lang kahawig nya sa Ryan Agoncillo (nobyo ni Juday)... ganoon siya kapapabol... naging malapit kami sa isa't isa... matagal din pinag samahan din namin almost 3 years... pero boom! isang araw... dumalaw ako sa kanila ng di niya inaasahan kase balak ko gusto ko siyang i-surprise... aba ako pala ang nasurpresa... ang mokong may kahalikan sa loob ng auto nya... akala ko namamalik-mata lang ako, akala ko kuya niya pero nung nilapitan ko siya nga... ang hayup! ang kapal ng mukha public display of affection pa... ang tigas ng face... walang hiya... ayun kinatok ko yung bintana nya na akala ko'y mababasag sa lakas ng pagkatok ko... di ko makakalimutan ang itsura ni marqo nung napa-second look siya sa akin, na biglang namutla at parang nakakita ng multo... eto ang exciting sa mga pangyayari...


Marqo: anung ginagawa mo dito?

Jenna" aba siyempre binibisita ka "surprise" sana kita, aba bat ako ang tinatanung mo? ikaw hayup ka! sino yang kahalikan mo?


bumababa yung babaeng meztisa sa kotse ni marqo...


Babae ni Marqo: Honey, who is she?

aba! nagpanting ang aking mga tenga... englisera ang bruha... at nakita ko taga UP din sya at nakasulat sa coat niya OB-Gyne...

Jenna: (pasigaw) Hoy bruhilda ka, di mo ko kilala? ako lang naman girlfriend ng kahalikan mo sa kotse. tang ang inumin mo! kangkarot ka! pa-english english ka pa! at wak mong sasabihin na taga UP ka, taga AMA ako!

bigla akong napa-isip, parang ang labo yata ng binitawan kong salita ah pero okay lang mahal naman tuition fee sa AMA..wahehehe... naku nag uumpisa ng dumami ang tao sa tapat ng bahay ni marqo, dumadami ang gustong maka-saksi ng love-triangle namin... iskandalo na ito...


Babae ni Marqo: So what if your from AMA...

na-imbyerna ako bigla, nag init ang aking kalamnan na para bang gusto ko saksakin na lang tong babae ni marqo na saksakan ng arte... na kung makakapit kay marqo ay para bang sawa..ampota talaga!

Jenna: (pasugod) malandi kang babae ka...

gumitna na si marqo....nung gumitna si marqo sabi niya ay...


Marqo: I'm sorry... di ko sinasadya natukso ako... ginagalang kita at nirerespeto... I'm very sorry mahal na mahal kita... please patawarin mo ko.. (sabay yakap sakin)


hello.. kamusta naman yun.... may mga drama ganoon pala sa totoong buhay akala ko sa TV lang mewon nun... di ko napansin nasa labas na pala yung kuya nya at lola ni marqo... di ako makakibo.... ayaw ko naman mag eskandalo ever dun no so ginawa ko binatukan ko si marqo, sabay sampal sa mukha tapos tinulak ko siya papalayo sa akin... sinubukan nya akong yakapin ng umapila yung babae nya...



Babae ni Marqo: honey, ano to?... why.... no honey if she doesnt like you anymore.. im here naman eh...


kamusta naman yun di ba.... kalandi talaga no?


Jenna: OO sige.... magsama kayong dalawa!!!!


nag walk out ako, pero sinundan ako ni marqo...iniwan nya yung babae niya na pinag titinginan siya ng mga kapitbahay ni marqo,pagka-walk-out ko hinde ko na alam kung ano nangyari dun sa babae ni marqo.... ginawa ni marqo ang lahat para makausap niya ako...pero di ko siya kina-usap. parang ang bilis ng pangyayari.na-shocked ako. iyak lang ako ng iyak... ganoon pala ang pakiramdam ng naloko... ang napindeho... masakit pala...nakaka-gago... pers taym kong naloko at nabroken hearted "arayyyyyy" masakit sa dibdib na di mo maintindihan... basta masakit.... hanggang sa maka uwe ako sa bahay namin... dun na umuwe si marqo sa bahay nila.... nung nakapasok na ako sa aming bahay... diretso kagad ako sa kwarto ko... higa sabang buntong hininga ng malalim sabay iyak uwaaaa...uwaaa...uwaaaa..... hanggang sa makatulog ako... pag gising ko tinignan ko ang aking cellphone, dami kong text messeges... alam ko kay marqo galing lahat yun... binasa ko yun... ewan pero blangko ang utak ko.... walang pumapasuk sa utak ko... hinde ko naintindihan ang mga pinag te-text niya sa akin.... hindi muna ako nakipag usap at nakipag kita sa kanya... after 1 week nagulat na lang ako nasa school ko si Marqo, may dalang flowers and chocolates at with matching card pa... ayaw kong tanggapin yun... dahil galit pa ako sa kanya... pero pinilit niya ako... binato ko yung flowers pero dahil mahilig ako sa chocolate di ko binato yung chocolate.... yung flowers lang... pinulot niya iyon at muling binigay nung inaabot niya sa akin yun nakita ko sa mga mata niya ang sinseridad.... kaya tinanggap ko na iyon... sabay niyaya niya ako na sumakay sa kotse, dun nag - usap kami ng masinsinan...


Marqo: Jenna, sorry talaga... di ko sinasadyang gawin yun... sana maintidihan mo na lalaki din ako may pangangailangan din ako... alam mo naman na ginagalang kita at nirerespeto kita... mahal na mahal kita.... sorry talaga kung na saktan ko ang feelings mo... im very sorry talaga....


nakita ko sa mga mata niya ang sensiridad ng paghingi niya ng tawad ngunit sadyang nasaktan ako ng sobra at galit pa din ako mahirap pala mahuli sa akto ng may ginagawang kalokohan ang taong mahal ko.... masakit.... nawala ang tiwala ko sa kanya....


Jenna: Im sorry din may pagkukulangan din ako sayo bilang girlfriend mo...


Marqo: Mahal ko...wala kang pagkukulang.... kasalanan ko talaga... im very sorry....


Jenna: Im sorry marqo pero wala na akong tiwala sayo.... ang saklap pala mahuli sa akto ang boyfriend mo na may karomansang iba.... sa ngayon nangingibabaw galit ko sayo....ewan ko marqo....


Marqo: mahal ko inaasahan ko na ganyan ang sasabihin mo sa akin... pero sana hayaan mo ako makabawi sayo... alam kong mahirap para sa iyo tong hinihingi ko, kahit sa magkaibigan na lang makita mo lang na sincere ako sayo.... please....


Jenna: dahil mahal pa din kita at may pinag samahan tayo sige pagbibigyan kita pero sa magkaibigan na lang.....



masakit sobrang sakit nung desisyon ko na iyon... sobra.... pero alam ko na mas makakabuti yun para sa akin at sa kanya... tuwing sabado ay sinusundo nya ako sa taft sa starbucks sa tabi ng la salle at hinahatid ako sa bahay ng nanay ko, minsan sa isang araw ay kinakamusta niya ako, nandiyan siya palagi para sa akin, naging malapit na magakaibigan kami... ginawa niya lahat para maibalik ko ang tiwala ko sa kanya... minsan magkasama kami sa starbucks nakwento niya sa akin na may prospect na siyang ligawan, natuwa ako sa kanya dahil hinde ko akalain na pati sa love life niya ay magiging bukas pa din siya sa dahil ako ay ex niya, pero di ko maiitatangi sa sarili ko na may konting kirot sa puso ko, parang gusto ko siyang balikan at maging kami uli.... pero naisip ko oras na para bitawan ko na si marqo.... masaya na ako sa ganitong sitwasyon namin... masakit pero kailangan.... ganun din ako sa kanya naging bukas din ako sa buhay pag ibig ko sa kanya at naging supportive naman siya.... naunang nagka girlfriend si marqo keysa sakin pero di rin nagtagal ay nagkaroon din ako si bry (code name lang ulit)... naku ewan ko ba... sobrang gulo karelasyon nitong tao nito.... mas malupet naman naging karanasan ko dito pero sa totoo lang parang mas minahal ko siya kay marqo... grabe talaga to... 6 months lang tinagal namin pero dami namin napag daanan sobrang gulo... sobrang babaero, palagi ako gumagastos sa aming dalawa pero pag may pera naman siya; siya ang gumagastos pero malimit ako, negosyante siya pero laging luge, basta magulo mundo ko nung kasama ko siya... pero marami ding magagandang katangian meron siya... engineer siya, mabait na kuya, ma-alaga siya sa girlfriend hatid sundo naman ako ni bry saka lagi niya binibitbit gamit ko, di siya madamot isusubo na lang niya yung pagkain ibibigay pa sa akin, gusto ako ng mga kapatid niya para sa kanya dahil hinde daw ako plastik, at higit sa lahat mabait sakin ang mama niya... pinagluluto pa ako ng sinigang na bangus at hinahainan pa ako... malambing si tita, gusto daw niya ako para sa anak niya... gustong gusto ako ni tita... ako din gustong gusto ko si tita...napamahal sa akin si tita.... maganda ang pinagsamahan namin ni tita.... bigla ko tuloy siya naalala habang sinusulat ito... mabaet sakin si tita sa totoo lang para ko na rin syang ina... open siya sakin kahit ako open din sa kanya, basta malapit kami.... kaya nung naghiwalay kami ni bry ang naisip ko kagad si tita.... hay... eh tanungin kung bakit naman kmi nagkahiwalay ni bry....oh heto yung kwento... birthday ni bry, kasama niya ako, umatend ako sa birthday niya ginananap yun sa province nila, siyempre di ako pwedeng mag over night dun dahil may pasok ako kinabukasan sa klase at trigonometry yung subject eh bobo ako sa math kaya kailangan pasukan talaga... so siyempre nauna akong umuwe, aba sa di ko maintindihan na pakiramdam eto na yung tinatawag na "women's instinct" aba kamusta naman ang birthday niya 3 araw ba naman nawala kamusta naman yun di ba.... eto siyempre bumalik na siya dito sa manila tapos napag tripan namin na mag palitan ng cellphone...hanggang sa nakauwe na ako sa bahay namin aba may nagtext unregistered number.... ang text ba naman ay "hi bry! kamusta ka na? nag enjoy ka ba? pls textbak!" aba naloka ako sa text niya malaman ang kanyang text, ang ginawa ko ay nagpanggap akong si bry tinext ko din siya... "uu ikaw nasarapan ka ba?" aba ang reply ba naman sa akin ay "oo naman! laki nga eh! ikaw lang eh nangbibitin ka kase eh =P" uwaaaaaaaa......text back naman ako to confirm "bat naman kita bibitinin eh alam mo naman na quikie mode lang tayo" text back naman siya "ang sarap mo kase ka-quikie eh. nakakabitin. kelan naman mauulit yun?" aba... confirmed. nakapig romansa sa iba ang jowa ko... again niloko na naman ako.... inaway ko si bry pero di ko ako nakipag hiwalay pinatawad ko siya muli at naging maayos kami... maayos ng 2 linggo lamang... dahil matapos ang dalwang linggo... nalaman ko si bry napikot nag kapitbahay nila at ikakasal na..shot gun marriage... ampota sakit nun ah.... o di ba ang saya ng buhay pag ibig ko.. dinamdam ko ng husto ang paghihiwalay namin na nauwe sa ayaw ko nang mag aral tapos dedma na ako sa mundo tahimik na ako, nasaktan ako ng husto.... nag stop ako ng 1 sem sa school... pagbalik ko tahimik pa din ako walang ngiti sa labi hanggang s aunti-unting nakarecover... inaabot ako ng 8 buwan hanggang isang taon sa pag rerecover...at minsan isang araw... nakilala ko ang ama ng anak ko....




masyado nang mahaba kwentong pag ibig ko sa susunod na lang ulit... nakakapagod pala mag blog ng mahaba at baka kayo ay tamarin sa pagbabasa ng blog ko tapos dehins pa nakakatawa... magaling lang kase ako magpatawa pag adlib na eh... anyway, syempre espesyal na kwento dun sa tatay ng anak ko... taray espesyal... sa susunod ulit....

Sunday, April 20, 2008

Top 10 Life Purposes

1. Share Your Love. If you truly pursue this purpose, all the others will follow naturally! Love everyone, but start with those closest to you

2. Give to Others. We are here to serve others, and not live wholly for ourselves. Make a difference in the world.

3. Increase in Light. Our spirits and bodies can literally flow with light. Increase your light bearing capacity by following the truth you know

4. Learn Wisdom. Read the best books and learn all you can. Pursue wisdom not as an end it itself, but to better serve others with your increased knowledge and talents.

5. Accept Yourself. Flow with who you are. Your birth, parents, and country all have a reason. Accept your purpose and your inclinations. Feel and flow with your emotions

6. Enjoy the Mystery. Wonder at the beauty of life. Don't try to figure everything out intellectually. Accept the world as a child does

7. Create Your Reality. In this sphere, you can choose what you do. Be bold and decide what you really want. Move toward your dreams with vision and power!

8. Follow the Spirit. Trust that inner voice that leads and prompts you. As you listen, you will gain greater inspiration in all daily activities.

9. Revel in the Present. Find joy and engagement in every activity. Recognize your point of power in present action! Come to know the illusion of time.

10.Experience Joy. The ultimate purpose of life is happiness, but happiness comes easier when pursued indirectly

karugtong..........

hay naku! kala ko makakapag blog ako kinabukasan, anung petsa na! ngayon lang ulit ako nakapag blog kase naman ang internet dito sa office ang daming naka block atchu-chu-chu. oh ayan umiiral na naman pag-bading ko..obvious ba sa linguwahe ko....?



ayan din ang epekto ng matagal na hinde nakakapag blog nakalaimutan ko na yung dapat kong isulat na karugtong ng kauna-unahang kong blog ever dito... san nga ba ako huling nagtapos... ahhh di ko rin kase na binasa yung blog ko eh wahaha.. tama ba naman yun...
basta ang alam ko medyo madrama ng konti yung blog ko medyo lang naman...


hay... sa ngayon busy-busyhan pa ako ngayon medyo kararating ko pa lang sa office at medyo marami kaming client at training ngayon linggo na ito kaya pahapyaw hapyaw muna akong magblog....



basta sa ngayon gusto ko lang ma-i-share yung mga experiences ko lalo na s amga kababaihan.. o di ba mala-gabriela ang dating....tama na nga introduction ko sa blog ko haba na eh...