Wednesday, June 4, 2008

Sa Paglisan mo....

bago pa lamang ako sa ASTEC ngayon EMERSON na pero marami nang napalapit sa akin na ka-trabaho konaging maganda pag-sasama namin lalo na sa trabaho, Tapos matapos ang isang linggong trabaho ay magkaka-yayaan para makapag-unwind. Duon sabay sabay na mag o-order nang serbesa sabay sabay din lalaklakin ang serbesa ni miguel. duon namumuo ang mga biruan na halos magkanda utot ako sa katatawa mga kainan na halos hinde na ako makatayo sa sobrang busog, mga kwentuhan na walang humpay, videokekahit pa bumabagyo, masaya...namumuo ang pagkakaibigan...
pero sa di ko inaasahan na pagkakataon, bakit ganon isa-isa silang umaalis, kung hinde naman umaalis nalilipat ng ibang team, at pati ng lokasyon ng pwesto sa trabaho ay nalalayo sila sa akin...ganoon ba talaga....
una sa paglisan ni daniel sa ASTEC nalungkot ako kase nabawasan smoking buddy ko, wala na din akong pinagpapantasyahan sa 1800, masarap pa naman kausap yung taong yun kahit na stir yun. namimiss ko siya (patay tayo dyan mamaya mabasa nya to!) masaya kasing kausap yung si daniel na yun, di ko namamalayan oras grabe lakas ng sense of humor nun nakakalorkey... ahahaha biglang nabading.. kung sabagay nababading naman talaga ako sa kanya pagkasama ko siya ayaw ko lang pahalata hihihihi...nasan ka man naroroon miss na kita.=P
sunod si jellie, team clerk ng team 17 releaver lang siya pero sobrang naging mag ka-close kami di ko rin alam kung papaano pero naging malapit kami parang ang tagal na namin magkaibigan lahat nga nagtatanung kung matagal na kami magkakilala,pero dito ko lang din siya nakilala nauna pa nga akong dumating sa kanya, 2 months lang kase siya pero s aloob ng 2 months na yon naging masaya ang aming pagkakaibigan, napaiyak nga ako nung last day niyatulo uhog ko wahahaha...

tapos meron kanong na-link sakin, siya si mike... di ko naman type mukha kaseng authestic, pero mabaet naman siya sakin palagi siyang nagbibigay sakin ng food at ng body shop na puro pang pangligo like sabon, foam soap,lotion at kung anu-ano pa na ang ibig sabihin ay maligo naman daw ako at maghilod may kasama body scrub kase eh basta marami na akong natanggap sa kanya generous siya mahilig manglibre, madalas akong ilibre nun "kras" ata ako iba na talaga pag mukha kang DH wahahaha nakasama ko siya sa isang video contest sa kumpanyang pinagtra-trabahuhan namin. makulit si mike yun nga lang minsan korni... pero nung mga huling linggo nya dito sa ASTEC malungkot siya... kahit ganun yun nakakamiss din siya... naging mabuting magkaibigan din kamiumalis siya kase kailangan na niyang bumalik sa Madison sa U.S. kase dun naman talaga siya nakadestino.nakakamiss din siya kahit na palaging dumudugo ilong ko kaka-ingles sa kanya wahahaha..

sunod si hytham, taga ECb department din kasamahan niya si mike porenger din, pero di to na-link sakin sobra naman kung pati eto nalink ah. grabe parang kuya ko na to pero magkasing-edad lang kami... close din kami nito mas close kami nito kesa kay mike. bait nito palaging may pasalubong sakin na peyborit chocolate ko sobrang peyborit ko walang iba kung hinde ang reeses huwaw tulo laway ko sarap nito pinaka the best na chocolate to.mabilis pa sa alas kwatro ubus ko to saka eto lang ang pinag dadamot ko ang reeses chocolate tsalap!

Tapos si melwyn dicuangco naman nag resigned na sa ASTEC... biglaan nyang sinabi sakin na Aejay last day ko na to pizza oh... anuvah! daanin ba daw ako sa pizza... bakit ganon ngayon mo lang sinabi sa akin sana nakabili man lang ako ng anik anik para maalala mo ko... ngayon nasa ibang kumpanya na siya... sa Japan na siya ngayon... pero kahit na malayo na siyamay kominikasyon pa din kami sa e-mail....nag babalitaan tapos nagpapalitan ng mga litratong mahahalay ahahaha ingat ka palagi diyan.. ingat ka din sa mga yakusa bwhahaha.. mahilig sila sa maliit n kyut! ahahaha

sunod ngayon si marky, taga ECB din pero pilipino siya, lilipat na siya ng ibang company naho-homesick kase siya.. family oriented kase siya duon na siya ulit sa cebu... i will miss you marky....

nalalapit na din ang buwan ng July, sa buwan kase ng July ay lilipat na nang ibang building sina Ate Mica, Anna at bryan. Sila ay taga team 17. sila ang unang team na naging ka-close ko dito sa ASTEC. Sobrang tight ang bonding ng mga ito... ka-bible study ko din sila maliban kay bryan, miyembro kase sa kulto si bryan eh. (ahahaha peace bry!) OO.. nag bible study ako di lang halata sa akin. lilipat na sila kase magkakaroon ng bagong team. Team 21 na sila ahuhuhu so sad wala na akong kasabay mag lunch... sila Ate Mica at Anna malapit din ako sa kanila...kumare ko na nga si Ate Mica eh, sila malaya akongnakakapag bukas ng aking saloobin lalo na sa buhay pag ibig at pinansyal ko, malaya akong nakakapag kwento sa kanila, kayanalungkot ako ng sobra nung nalaman ko na lilipat na sila...

bakit ganoon nalalayo....umaalis....

PEOPLE COME AND PEOPLE GO......YOU HAVE NOTHING TO DO WITH IT.. BEAR WITH IT....

1 comment:

rascal101 said...

'Di ata halata iyung bible study ;-)